Sunday, December 13, 2009




~ I cannot believe that the purpose of life is to be happy. I think the purpose of life is to be useful, to be responsible, to be compassionate. It is, above all to matter, to count, to stand for something, to have made some difference that you lived at all.
-Leo Rosten

So, ang blog entry ko ngayon ay tungkol sa...
"LIFE" o "BUHAY". =))

Minsan ba eh natanong mo na ang sarili mo, kung bakit ka nandirito?, ang magulang mo, kung bakit ka nila binuo?, ang mga kaibigan mo, kapitbahay mo, kamag-anak mo, crush mo =), kung bakit kayo nasa mundong ito?

Bakit nga ba?...

Ako kasi, natanong, tinatanong at tatanungin ko pa rin ang sarili ko tungkol sa bagay na yan.
Dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong malinaw na kasagutan sa tanong na iyan.

Kasi naman noh... kung iisipin mo, di lang milyon kundi BILYON na ang tao sa mundo! at kung sasabihin ko sa sarili ko na, "nandito ka para maging isang sikat na magandang artista!" =)) , eh sa bilyong-bilyong taong pakalat-kalat diyan eh, napaka-IMPOSIBLE naman kung kahit isa man lang sa mga iyon eh walang qualified! =))) (super ganda everness ko na talaga at wala ni isa man lang ang pumasa sa standards ko! =p)

So, ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon? crowded ever na nga ang earth, dumagdag pa tayo? (ako lang pala! =p) sa pagiging over-populated nito.

Di naman siguro lasing si God para ilagay tayo sa mundong ito ng WALANG DAHILAN..
na para pang-over populated lang, na pang-trip trip lang, na pang-decoration lang, na pang-palamuti lamang...




** teka lang ah, nakalimutan ko mggreenhills pa ko ngayon with Demdem (one of my bestest friends in elem. =p) at nkaka 5 hours!!!? na ko dito sa netshop!! so continue ko na lang to ASAP!!!? =)))...
GTG!!..

see you soon!! =))


``mpg

Random P.O.V.

~ Well.. haha!! actually di ko alam kung anong dapat kong sabihin? o itype dito...
honestly first-time ever akong nag-blog!?
at ano naman ang purpose ko sa pag-gawa nito?...
eto.. (random)

*para ma-express kung ano mang dapat ma-iexpress.
*para makapang-motivate, mag-bigay aliw, mag-bigay payo?, makapang-asar...
basta para mabasa ng mga tao.
*para ma-relive? ko ang stress. Kasi for me, expressing my thoughts (especially through writing) is a great way of releasing any stress. haha! =))

Ayan! yan ang mga naisip kong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
Uhmm.. medyo madami ang lumalaman sa isip ko ngayon.
tulad na lang ng:

*ano bang dapat kong gamitin na language dito sa first-ever blog ko!?
tagalog, english tag-lish, o BAKLAnguage?! cherver ah!
*nagugutom ako! fiesta sa'min ngayon! nandito ko sa isang netshop medyo malayo sa'min.. uuwi na ba ko para kumain!? o gagastos ako para sa pagkain!?
*ang paalam ko kay Sally (my motherloo) ay mag-papagupit lang ako at mag-sisimba?...
mga bandang 10:30 am ako umalis ng bahay namin at sa kasalukuyan 2:20pm na!! at wala pa kong nagagawa ni isa sa mga ipinaalam ko. haha!!
*kung mag-pagupit man ako mamaya, anong haircut ang sasabihin ko?
*mag-ggreenhills pa ba ako kasama ni Demdem (one of my bestest friend since elem. =)) mamayang 5pm?
*hanggang ano oras ako dito sa netshop!? 10:55 ako nag-in at 2:25 na ngayon.. =))
*parang gusto ko mag-malling! =))))
*nasaan kaya ang Dadi ko!? =)
(umalis kasi siya ng bahay mga 30 min. before ako umalis din at wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta kahit tinanong ko siya =)). Tinext ko siya kani-kanina lang ng: "dadi wer u?" at ang reply ba naman ay: "bkt?" haay.. bakit niya kelangan sagutin ng tanong ang tanong ko? di ko na siya kinulit kung saan ba siya. Malaki na siya. At siguro it's time para makapag-alone time siya at mag-moment.)
*...........

Ayan ang ilan? sa mga lumalaman sa isip ko.. hehe.. =))

Ano pa bang ilalagay ko sayo?...
uhmmm...
siguro ippublish ko na to, at mag-ppost na lang ako ng PICTURES taken by none other than me! haha!! I am somehow? desiring to be a photographer eh.. Freelance Photographer?! (echos!)

So eto na!!
ippublish ko na!!! =)))




``mpg=))